Schedule :)

April 14 - Candy Shop Super Club, Tomas Morato

April 15 - Yatai Ramen Seaside, Dampa Macapagal

April 17 - White House, Recto with tropa :)

April 20 - Guilly’s, Tomas Morato

April 21 - Guilly’s, Tomas Morato

April 22 - Wensha Spa, Roxas Boulevard

April 28 - Guilly’s, Tomas Morato (Iranian)

May 5 - Republiq Club, Resort’s World Manila

May 8 - White House, Recto with bebeko XD

May 11 - Republiq Club, Resort’s World Manila (Australian)

May 18 - Subic, Zambales

May 19 - pending

(Source: coldc0re)

(Source: free-your-mind)

naaalala ko yung nangyari o.O haaaaay. naiiyak ako na natutuwa. :) :”>

Mas madaling mahuli ang manok pag nakatali, wag ka lang papahuli sa may- ari.

#RT

Anniversary - and we kissed

Ito na yung nangyari :)

Matagal na kong nagyaya sa tropa namin na gusto ko sila kasama ko sa dapat anniversary namin, April 17. So  dati pa talaga plano na yun, gusto ko  kasi masaya ko,  at dahil matagal na rin kami magkakasama alam ko sobrang laughtrip lang din yung mangyayari saken. So ayun, 2pm pa lang nasa Ever na ko hinihintay ko sila kasi ginawang 3 ni Jasper para daw di kami masyadong gabihin. So okay andun na  ko, bigla nagtext si Per na “Dee isasama ko si Dom ah?” . Edi ako nagulat, kinabahan at nagpanic kasi naman binigla nila ko, ang sabi ko na  lang “Sige, gora lang, wag lang mag-asaran ah? Baka maasar siya Haha”. So andun na sila nun, pumunta na ko sa tapat ng cr ng boys, kasi ganun naman talaga gawain ng tropa pag punta dun ang diretso, una kong nakita si Dom, napatingin siya saken, sabi ko “OI.  :)” As in ngiti ^______^, siya naman halatang nahihiya. Tapos lumabas na sila Per, niyakap ako ni Per kasi babygurl nila ko eh :), ayun tas sabi ko kay Dom, “Dre, makikiparty ka samen?” biruan lang, tas ngumiti siya, ayun nakikipaglokohan na ko kanila Per, tipong waley lang saken na nandun siya, normal lang pakiramdam ko. Punta na kami White House, kung saan kami nagsimula dati, at laging venue ng inuman namin dati magtotropa.

Ayun edi nandun na kami, INUMAN NA. Hehe, so ako kuha agad ng song book, matic na ako dapat ang unang kakanta, singer  nila ko eh. Haha, So ang nakita ko  na kakantahin ko, “I’ll be over you” edi yun, inaasar nila  ko, so nakipagbiruan lang din ako, nakikisakay. Makikita mo naman ang tao na tinitignan ka eh, pero ako normal lang  pinapakita ko, ang dami kong kwento, haha ang daldal ko lang naman, nga  pala kami kami yun si JASPER, AJOC, NARDO, DOM, tas sumunod si Mark. Tinatanong nila  ko bakit daw lalo kong  naganda, sanay na ko sa mga bolero kong  tropa, tas tinanong nila kung may nanliligaw daw saken, malamang meron hehe, kaya ayun  sabi ko “Oo, kaso ayoko pa, natrauma ko dre HAHA”, si Dom naman sobrang tahimik nung una, ako tawa ng tawa tas puro kwento. Tapos kanta ulit ako “I’d rather” , ayan asaran nanaman, pero naiiyak ako sa kanta, at alam kong nakatingin sakin si Dom habang kinakanta ko yun, hindi ko na lang pinahalata, keme cr na lang ako syempre masisira moment ko kung  iiyak ako. Tas inasar ko si Dom sabi ko tatayo ako ng table, gagawin ko yung ginawa  niya  dati na tumayo sa table tas pinagsigawan na mahal na  mahal niya ko tas nagsosorry siya kasi magkaaway kami nun. Tas tawa siya   sabi niya wag ko daw  sabihin, wala daw  joke, gawin ko daw. Edi yun picture-picture kami gamit cp ni per. Tas kumanta siya “Before I Let You Go”, so bongga teh di ba? Mukhang iiyak na ko kaya nag-cr ulit ako, tinagalan ko talaga kasi baka nga mapaiyak ako. Si Per sabi “yan gusto ko senyo eh, nagpaparinigan kayo sa kanta” edi ako di ko pinansin tawa ko ng tawa, nakikipagbiruan ako, tas nagoopen ako ibang topic. Biglang sabi ni Dom “Kantahin mo”, binuklat niya yung song book pero di  niya tinuro kung ano,  alam ko eh, tas  sabi ko “Ito no?” sabay turo sa  ”Magbalik”, ngumiti siya tas sabi niya oo. Kasi yung  kantang yun, may meaning sameng dalawa simula nung nagkabalikan kami dati. Sabi ko ayoko baka maiyak ako, siya na  lang kumanta, tapos ayun sabi niya ako na lang daw. Ngiti lang ako.

Tas pumunta ko CR kasi iiyak na ko, medyo may tama na  ko eh, pero di pa ko lasing, paglabas ko nandun siya sa labas ng cr, sabi ko sa kanya “CR ka na”, tas palakad na ko paalis, bigla niya kong hinawakan tas niyakap niya ko, ang lungkot ng  mukha niya, sobrang  seryoso, siguro ramdam niya na nagpepretend lang ako na  okay ako. Bigla kong naluha sabi  ko sa kanya “Sorry, sobrang sorry sa lahat, okay naman na ko eh, okay lang sakin, hindi ako galit”, UMIYAK  SIYA :’( niyakap niya ko ng mahigpit sabi niya “Ako may kasalanan bakit ka nagsosorry, ako dapat  magsorry”, iyak ako ng iyak sabi ko  ”Okay lang ako, okay lang ako”, naiiyak ako na nakita  ko siyang umiyak, malungkot yung mukha. Nag-KISS kami, nakakamiss yung kiss niyang yun, yung pinaramdam niya na concern  pa siya, mararamdaman mong may love pa. Bago yung araw na yun, sinabi saken ni Per na sabi ni Dom na alagaan ako ni Per sa inuman kasi baka daw kung anong mangyari saken, ayaw niyang hindi ko kasama si Per kasi siya talaga  yung pinagkakatiwalaan ni Dom. Ayun, nauna siya umuwi, okay na ko pagbalik sa tropa, nung  paalis na siya di ko na siya tinignan, sabi ko lang “Bye”. Nahahalata ko kasi sa mata niya na naiiyak siya at ayoko nakikitang malungkot siya. Ang drama lang ng ginawa  niya :’( . Actually wala talaga ko balak makipag-usap sa kanya eh, pero dahil siya ang nanguna, nanghina ako, kaming dalawa. :’(

GLOBE

So ayun po nagpalit na ko number, HAHA. Dahil demand ng mga tropa ko para macontact na nila ko. Hindi daw sila magagalit kapag nagpalit ako basta globe. Ayun globe na ko :))))) Yehey. At hindi pa rin ako mahilig magtext. Haha! Bow.

What happened last Saturday Night?

Saturday night out, so ayun nagkayayaan magbar. Actually tinatamad ako magblog pero dahil inaantok ako at ayoko matulog, ito na. 

So ayun, nagkayayaan, sa Candyshop in Quezon Ave talaga ang location para maiba naman ang crowd, so ayun gumora kami by 1130pm dahil kumain pa sa labas at nag-ayos pa kami. So nakarating kami 1230am, daming tao sa labas and puro bagets nandun, mga kasing age ko. Akala namin may entrance kasi may mahambog na nagsabi na 600 daw entrance dun(lol) parang Republiq daw yung datingan, kaya hindi na kami tumuloy sa  Republiq dahil tatry namin tong CandyShop na to. Yun pala walang entrance fee at lahat ng couch may mga nakaupo na so dun kami pumwesto sa tabi mismo ng bar para  kita  rin ang dancefloor. Masaya naman, kinaugalian ko naman talaga  sumayaw eh, tipong parang wala ng bukas HAHA pero  that night napatunayan ko lang na ang dami ng nagbago saken o.O seriously. So ayun, itong si ate zai biglang pinakilala tong macho na pogi rin na lalake si guy naman stick din agad saken, syempre nasa bar kailangan friendly talaga,  so yun na yung number, fb then sayaw daw,  so go sayaw. Natatawa lang ako na parang hydee dati kapag ganyan bongga  ka lumandi eh lalo na alam mo ng may peys? Pero ewan di ko  talaga trip as in ooops limitado ka kuya, super ayoko na sa lalakeng ganun. I met you at the bar, you were flirting w/ me na dun mo lang ako nakilala  ah and you would tell me na seryoso ka? HAHA funny lang, nako kuya alam ko hanap mo at di ko kaya yun, i mean hindi ko gusto, so ayun sabi  ko  sa kanya punta siya sa tropa niya text na lang, so pumunta na rin  siya. So ako, inom lang ng sobrang konti dahil ayoko  nga malasing, tamang chill lang. At ayun naman si ate erika, miss congeniality, sa sobrang lasing lahat na  kinaibigan, bantay-bantay na lang ako dahil  mamaya kung anong mangyari,  si  bebe naman  ayun sinapian ata ng dating hydee na BASTA! WAHAHAHAHA DEVILLAUGH! Pinipilit nila ko maglandi ayyyyyy jusko ano ba nangyari saken. Si kuya din isa mga padali, sa  totoo lang nakoooo alam ko namang malalandi lang kayo, mag-aaya umalis para saan? WHAAAAAT? NEVER! NO WAY! AYOKO NG GANUNG BUHAY. Ayun at dahil lakas trip din tong si ate erika, gora sila na ang naglandian ng bongga. Kami ni  ate zai chill lang, kakwentuhan  ko din yung boylet  niyang tahimik, dahil ayoko sumayaw ng bongga at ayoko lumaklak ng alak,dinaan ko sa kwento HAHA. So yun, masaya kami. 6am nakabalik na condo, then Sunday night punta dampa at bonggang kumain ng seafooooooooooods :). Yehey! Tapos na.

Summary:

Si Ate Erika lasing kahit konti lang nainom at ang miss congeniality dahil sa dami ng kinaibigan? haha. Single din kasi siya kaya okay naman. Si Ate Izai, high-end at inaalagaan si boylet, chill lang din pero dami na nainom. Si BEBE NA BWAHAHAHAHA, sinapian ng dating hydee na di nawawalan ng lalake at bonggang ginawa yung mga gawain ko kapag nasa party. At si ako, naghahanap ng tulad ni crush sa loob ng bar na parang napaka-imposible, tamang kwentuhan lang sa lumalapit, iwan sa ere pagtapos at iwas inom dahil ayaw talaga malasing, sobrang nakaset sa mind ko na ayoko, chill lang  pero sayaw sige go! Di lang talaga tulad dati na nilalamon  ang dfloor. AYUN HINDI NA AKO ANG WILD SA TROPA, si bebe na talaga! AHAHAHA! Dun ako natuwa eh. Masaya  na ko sa ganito, makabonding lang ang friends. :) Next Friday daw po ulit kami :)

May pa-asa bang mainlove ka sa isang taong may nobyo/a na?

Meron pero di ko ieentertain, ayoko makasira ng relasyon siguro pag wala na talaga sila, okay lang.

Ask me anything

Matapos kang masaktan dahil sa pagmamahal, may lakas ng loob ka pa bang magmahal ulit?

Naman! :) Sabi ko nga kung anong nabigay ko dati dodoblehin ko pa :) Mas masayang relasyon yung sunod.

Ask me anything